"Bitawan mo ko! Ano ba!?" Sabay hampas ko sa kanya dahil yakap n'ya ako ng mahigpit. Ngayon ko nararamdaman ang sinasabi nilang lukso ng dugo, na parang eventually kahit hindi ko alam, agad-agad papatawarin ko na s'ya. Pero hindi ako dapat magpadala sa emotions ko. "Please forgive me. I'm your father and you're my only daughter. Please forgive me." He said between his sobs. Nanghihina ako. Gustong-gusto ko s'yang itulak palayo pero ang buong pagkatao ko, parang unti-unti ng tinatanggap kung anong relasyon meron kami. Kung ano ako sa kanya at kung sino s'ya sa pagkatao ko. Pero paano si Mommy? "What the hell is this!?" Umalingawngaw ang baritonong boses na 'yon ni Trixon. Agad akong humiwalay kay Atty. Halos sabay kaming nagpahid ng luha dahil sa gulat. "Trixon!" Sigaw ko ng bigla n'y