Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ligtas na ako sa kanya kahit alam ko namang papatayin nya ko. Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. Bakit kahit alam kong gusto nya kaming patayin, mahal ko pa rin sya? Bakit hindi ko magawang magalit? Mahaba ang naging byahe namin bago kami huminto sa tapat ng mataas na gate. Pumasok kami roon. Isa itong rest house. Tinanggal ni Trixon ang helmet ko. Nagsalubong ang kilay nya ng makita ang mga luha ko at agad iyong pinunasan. Napakagat na lang ako sa labi ko ng halikan nya ako sa noo. Why he have to be this gentle to me? Hinawakan nya ako sa baywang at sabay kaming pumasok sa loob. Napansin ko ang motor ko na nakapark doon. "Pasensya na kung hindi ko naibabalik sayo." nakangiting sinabi nya habang ginugulo ang buhok ko. Papatayin na ba talaga nya k