Nang gumising ako, nasa hospital pa rin ako pero sa sofa na ako nakahiga. Ang pagkakatanda ko, nakayuko ako sa tabi ni mommy kagabi pagkatapos ng dinner namin. "Oh good morning." Sabi ni Lawrence ng pumasok sya sa loob. May dala syang dalawang coffee. "Did you slept?" Tanong ko dahil halatang hindi sya natulog. "Uh, yeah? Two hours?" Nakangiting sinabi nya at inilagay sa table ang dala nya. Nakita kong may fries ulit dun kaya kumuha ako. "Wala pa rin si dad?" tanong ko ng makalabas na ako. Nagkibit balikat lang si Lawrence. "Can I have your phone? I'll call him." "No!..." Napatalon ako sa pagsigaw n'ya. "I mean, let him rest first." Nagsalubong ang kilay ko. Pati sya may hindi sinasabi sakin? "Lawrence what is it?" "Huh?" Nilingon ko muna si mommy. Tulog pa sya kaya hinila ko si L