Saglit kaming nagpahinga habang magkayakap. Napapikit na rin ako sa sobrang pagod. Gusto ng bumigay ng mga talukap ko pero ang huling sinabi n'ya ang patuloy na gumugulo sa isip ko. Malinaw na sinabi n'yang s'ya ang ama pero mahal n'ya ako? Humilay s'ya sa'kin. Nakapikit hanggang sa naramdaman kong buhat na n'ya ako. Dinilat ko ang mga mata ko para makita kung saan kami pupunta ng bigla n'ya akong halikan sa noo. Antok na rin ang mga mata n'ya at bakas pa rin sa labi n'ya ang napakalaking ngiti. Paano n'ya nagagawang ngumuti at maging masaya ng ganyan kung alam n'yang nasasaktan ako sa nalaman ko? Pumasok kami sa isang kwarto at marahan n'ya akong inihiga sa malambot na kama, bago ulit pumatong sa'kin. Kinumutan n'ya ang mga katawan namin. At isinubsob n'yang muli ang mukha n'ya sa leeg