Trixon Smith's PoV Ayokong nakikita syang ganyan. Ayokong nakikita syang umiiyak. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko na alam kung paano sya icocomfort. Kasalanan ko. Nabalitaan ko na namatay ang anak ni Mr. Alba. Pinatay raw pero hindi nila alam kung sino ang pumatay. Nadisaappoint ako dahil hindi na matutupad ang isa sa mga plano ko. Pinatay siguro sya ng isa sa mga kamag anak na pinagsamantalahan nya kaya hindi na ako nag abala pang alamin kung sino yun. "Trixon." Malungkot na tawag ni Mr. Alba sa pangalan ko. "Its been week since my son passed away. How about Mr. Style's young daughter?" Halatang malungkot sya sa pagkawala ng anak nya pero sya pa rin si Mr. Alba, na hayok sa laman. At alam ko ang ibig nyang sabihin sa sinabi nya. "I leave it to you Mr. Alba." Ngumisi sya sa sinabi