Naniningkit ang mga mata kong tumingin sa seryoso nyang mga mata. Hinawakan ko ang mukha nya at hinaplos iyon. "Hi Trixon!" Napangiti ako ng maramdaman ang mabilis na pagtibok sa dibdib ko. Unti-unti na rin akong bumabalik sa dati at parang nawawala ang kalasingan ko. Tss. Hindi naman talaga ko lasing. Hinaplos ko rin ang labi nya kaya nag iwas sya ng tingin. Bigla na namang may humila sakin. Ang hilig nila dun. Balak ba nilang baliin ang buto ko? "Audrey, get away from him!" Sigaw ni Trixie. Binawi ko sa kanya ang kamay ko. "Bakit ba? He's your brother. Your maniac brother. Kaya nga my bestfriend's maniac brother, di ba?" Sarcastic na sinabi ko. Lumapit ako kay Trixon at mabilis kong idinampi ang labi ko sa kanya. "Holy s**t Audrey!" Hinila ulit ako ni Trixie palayo kay Trixon. Yum