Chapter Ninety Five

2179 Words

“I’m sorry, binibini…” Nandito na kaming muli sa lanai nang lapitan ako ni Tornado. Nagtatakang tiningnan ko naman siya. “Huh? Why?” Napakamot siya sa ulo at halos hindi makatingin nang maayos sa akin na para bang nahihiya siya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago muling nagsalita. “Uhm… Pasensya ka na kay mommy ha? Medyo makulit kasi talaga ang isang ‘yon. Maraming tanong tapos—” Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at natatawang tinapik ko ang kanyang braso. “Ano ka ba? Wala namang dapat na ihingi ng pasensya ro’n.” Totoo naman iyon. Saka kinabahan lang ako sa mga tanong niya. Kung puwede kasi ay ayaw ko na lang pag-usapan ang tungkol sa ina ko na matagal na rin naman akong nakalimutan. Ayaw ko na lang buksan pa ulit ‘yong sugat sa puso ko na matagal nang naghilom.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD