After a long week birthday celebration, lahat kami ay siguradong magiging busy mula ngayong linggong papasok. Ngayong araw kasi ang simula ng OJT nina Caleb. Kaming tatlo naman nina Lei at Donna ay sa isang araw pa ang simula. Nag-aayos pa kasi kami ng mga papel para sa nakaraang semester. Hindi rin tulad nina Caleb na sa iisang firm lang ang kanilang OJT, kaming tatlo naman ay magkakahiwalay. Si Lorelei ay sa restaurant nila mag-OJT, habang si Donna naman ay isa sa kanilang airlines, tapos ako naman ay sa hotel namin. Plano pa naman namin ay dapat magkakasama kami kaso pareho na silang binigyan ng responsibilidad ng mga magulang nila, gusto ko rin naman magkaroon ng background sa isa sa mga negosyo namin para kahit paano ay makatulong ako kay Daddy. Ang gusto pa sana ni Daddy ay i-assi