“Finally!” Tuwang-tuwa si Kane na nakuha pang mapasuntok sa hangin dahil sa sobrang saya. Kung siya kaya ang suntukin ko sa mukha? Makuha pa kaya niyang tumawa ng ganyan? Kainis. Kung magbunyi siya ngayon ay akala mo kanina pang hinihintay ang pagkakataon na ito. Ngayon pa lang ay hinihiling ko nang hindi siya ang magtatanong sa akin. Baka tuluyang masuntok ko rin siya kapag nangyari iyon. “Ay, siga ‘yan, Malia Isabelle?” Kastigo rin ng aking sarili. Sa tensyon ko ay pati sarili ko kinakausap ko na rin. Tsk! “Akala ko iikot pang muli sa amin bago sumapit sa inyo, dahil babasagin ko na talaga ang boteng ‘yan!” Tumatawang pinaglaruan ni Rusty ang bote. Base sa mga namumungay niyang mata ay masasabi kong lasing na talaga ang isang ito. Siguro nga a