“Truth na! Mayroon pa ba akong pamimilian? Wala man lang choices! Tsk!” malakas na reklamo ni Donna nang sa kanya namang tumapat ang sumunod na ikot ng bote. Mabilis na naka-move on ang lahat kanina matapos iyong ginawang pagsagot ni Rhys sa tanong kanina na parang naging pag-amin na rin. Kung tutuusin ay natahimik lang sila pero mukhang hindi naman sila nagulat doon. Ako nga lang yata ang bukod tangi na hindi inaasahan ang magiging sagot Rhys. I was shocked. I was beyond surprised. Alam ko naman na maalaga si Rhys. Hindi nga lang kasing lambing ni Tornado, pero lahat naman ng mga kaibigan naming lalaki ay protective at maalaga sa aming mga babae. Malakas lang talaga sila mang-asar pero kapag seryosong usapan na ay maasahan naman sila. Kaya hindi ko talaga inaasahan na mari