Chapter 50 "Sweetheart, subukan mo itong beef stroganoff" kimi akong ngumiti kay Caloy ng paglagyan niya ako ng pagkain sa plato ko. "Why don't you try to eat some veggies? It's good for you.. and to your baby, you know? Here, try this baked asparagus" His voice is full of power na hindi pwedeng hindi sundin. Tila wala din itong pakialam sa paligid. Pagkatapos nitong punasan ng table napkin ang gilid ng labi nito ay agad itong kumuha ng apat na pirasong asparagus para ilagay sa pinggan ko. Napatanga ako sa sinabi niya, namula ang buo kong mukha dahil sa hiya. Napataas ang kilay ng Don at napakunot ang noo ng mga magulang ni Caloy na mula pa kanina ay pinapanuod na kami. Napatikhim si Caloy sa tabi ko at agad itong nakabawi. Ganon din ang Don, nagpatuloy lang ang lahat sa pagkain na til

