Chapter 4
Naalimpungatan ako sa pagtulog dahil may naririnig akong nagsasalita. Hmmm . Pumihit ako paharap at nakita ko si Brent na hawak ang cellphone nito. Hindi niya ko napansing nagising kasi nakatalikod siya at busy sa kausap. Matutulog na sana ulit ako ng nagsalita ito.
"Calm down Meg" he sighed. "Wait for me okay? I'll be there in twenty minutes". He slid his phone. I quickly shut my eyes when he's about to turn around to face me.
Nagaantay ako ng kasunod na mangyayari pero narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto hudyat na lumabas na siya sa kwartong ito.
"Who's Meg? Hmm"
I look at the alarm clock on bedside table. "It's already two in the morning". Simula ng nagsama kami napansin ko na bihira lang siya matulog dito sa bahay. Palagi siyang umaalis sa gabi tapos magigising na lang ako minsan na katabi ko na siya pero agad din naman siyang bumabangon pag naramdaman niyang magigising na ko. Akala niya siguro hindi ko alam na tumatabi siya sakin. Hinayaan ko na lang tutal wala naman siyang ginagawang masama sakin.
Isa pa, ramdam ko naman na hindi ko pa rin nasusuko yung pagkabirhen ko kasi tuwing pag gising ko sa umaga pinapakiramdaman ko kung masakit ba DOWN THERE. E hindi naman so lagi ako nakakahinga ng maluwag.
Nakarinig na lang ako ng papaalis na sasakyan. Siya na yon malamang!
Haay nako bahala siya kung san siya pupunta at nagpu-pupunta. Wala akong pakialam basta wag niya lang ako pakikielaman sa gusto ko para naman masaya kahit papano ang buhay ko noh! Matutulog na nga lang ako!
(Sa kama)
10 minutes
Talikod. Harap
Harap. Talikod
20 minutes
Calm down Meg!
Meg!
Pagulong gulong na ko sa kama habang nakapikit pa rin at nakakunot ang noo.
30 minutes
1 hour
Nakadapa parin sa kama habang pinpilit pa din matulog! Nakakainis na! nahihirapan ako matulog ngayon ah!
Yung utak ko sige parin kakasigaw ng Meg! F*ck!
Meg!
Meg!
2 hour
Ayoko naaaa! Sino bang Meg yon! Hindi ako mapakali kakaisip kung sinong Meg yon! Meg! Sino ka bang bwisit ka! >.Arrghh!" impit kong sigaw sabay padyak ng paa tapos gumulong gulong sa kama.
*BOOGSH!*
"Ouch!" Himas himas ko sa balakang kong tumama sa sahig. Hindi ako pwede mapuyat magkikita pa kami ni Miguel mamaya. Kailangan ko ng matinong tuloooooggg!
Sumampa ulit ako sa kama tapos pinilit kong matulog ulit. Nagtagumpay naman ako sa wakas!
--------
Inat inat pa ko habang pababa ng hagdan. Infairness nagising pa din ako ng maaga yun nga lang ilang oras lang tulog ko. 4 hours of sleeping! Para lang akong nagpuyat kakareview samantalang di pa naman exam. :( Buti na lang 10 am yung pasok ko. 8am ako bumangon kasi 1 and half hour ako kumilos tapos 30 minutes ang byahe papuntang school.
"Goodmorning Nana!" masayang bati ko sa matanda ng maabutan ko itong naghahain ng almusal. Maganda yung gising ko kahit puyat ako nagtext kasi si Migs sakin at sabi nya gusto nya ng hugutin ang oras para magkita kaming dalawa. Miss ko na talaga siya!
"Maganda ka pa sa umaga hija. Halina't magalmusal ka na baka malate ka sa klase mo" Sagot naman nya sakin.
"Nako si Nana talaga bolera. Haha! Hmmm! Mukhang masarap na naman to! Masisira talaga diet ko sainyo ni Brent Nana" Nagsimula na kong lagyan ng pagkain ang plato ko.
"Hindi mo na kasi kailangan gawin yon kasi maganda naman ang hugis ng katawan mo" Sabi ni Nana tapos uminom ng tubig. Nagpalinga linga ko sa paligid pero ni anino ni Brent hindi ko nakita ngayong umaga na to. Mukhang napansin naman ni Nana na may hinahanap ako kaya ngasalita ito.
"Hindi ka ba ginising ng asawa mo nung umuwi siya kanina?" nakakunot ang noo nya habang nagtatanong sakin.
"Po? Umuwi na sya?" nakakunot din ang noo ko sa sinabi ni Nana.
"Oo pero umalis din agad. Akala ko nga ginising ka na eh."
"Hindi po. Hindi ko alam na nakauwi na siya. San daw siya galing?" sunod-sunod kong tanong kay Nana.
"Ay hindi ko alam hija. Ang sabi nya lang bukas pa daw siya uuwi kaya tayo lang dalawa ang sabay na kakain mamayang hapunan"
Tumango-tango na lang ako sa sinabi nya. Ayoko na magtanong pa sa kanya at nagpangap na lang ako na alam kong hindi uuwi si Brent ngayong araw.
"First time to ah!" sabi ko sa isip ko.
First time na hindi ko napansin ang paguwi nya. Tapos madaling araw pa siya umalis kanina, lagi kasi siyang umaalis pag matutulog na tapos babalik na lang sa bahay pag umaga na. Kami lang dalawa ang nakakalam sa tunay na ginagawa nito dahil maaga natutulog si Nana tapos pag umaga andito na sa bahay si Brent pag kagising ng matanda.
Pero ngayon iba, alam ni Nana na umalis si Brent kagabi tapos umaga na umuwi. Ano kaya sinabi nya sa matanda. Hmmm
Mukha namang hindi iniisip ni Nana na baka niloloko na ko ni Brent dahil hindi umuwi kagabi. Yaan na nga! Haaayy buhay.
Pagkatapos kong kumain umakyat agad ako sa kwarto para maligo at magayos na para sa pagpasok sa school.
-----------------
"So anong plano mo niyan? Ano sasabihin mo kay Brent para makaalis ka mamaya?" yan ang bungad sakin ni Leila pag kakita niya sakin sa school. Naglalakad kami papunta sa una naming klase.
"Edi ganun padin magkikita kami ng pinsan mo. Anong sasabihin ka diyan! Wala siya mamaya bukas pa uuwi kaya hindi nya malalaman. HAHHAHA. Ang swerte ko talaga. I'm so excited to see your cousin. Gu-mwapolalo siguro siya noh? Hmm.. I can't wait na" Nakangiti pa ko habang sinsabi yon.
"Wow! Ang galing naman! How about kay Nana? Baka magkwento yun kay Brent pag gabi ka na umuwi mamaya" she wiggled her eyebrows.
Napaisip tuloy ako sa sinabi nya. Tapos tumingin ako kay Leila at nagsmirk.
"Problema ba yon syiempre sasabihin ko na aalis tayong dalawa. Kaya sasamahan mo ko paguwi mamaya para makatotohanan talaga" I also wiggled my eyebrows at her. Tumatango tango lang siya nung sinabi ko yon. Nakarating na rin kami sa room at nagsimula na din ang klase. Nasa kalagitnaan ng pagsasalita ang Professor naming ng may kumalabog.
*BOOGSH*
"Maam si Bridget nahimatay!" sigaw ng classmate ko na babae.
Lahat kami sa klase nagsi tayuan at nakiusyoso sa nangyari kay Bridget.
"Boys! Buhatin nyo siya at dalhin sa clinic! Bilisan niyo na!" sigaw ni Maam Tamayo na halatang nataranta din sa nangyari.
"Hoy buhatin nyo daw!" siko ni Leo sa katabi nya.
"Anong ako! Walang sinabi si Maam" sabi nya kay Leo.
"Hoy tutunganga lang kayo dyan?! Buhatin nyo na!" inis na sigaw ng kaibigan ni Bridget sa kanila. Kaya ang ending binuhat nila si Bridget at dinala sa clinic. Pagkalabas nila sa room umupo na din kami lahat at nagsimula na ang bulungan ng iba kong classmate.
"Kawawa naman yun si Bridget. May sakit daw yun eh. Tsk Tsk!" bulong ng isa kong classmate sa katabi nya.
"Oo nga. Pero magigising din yun baka pumasok yun mamaya" sagot nito.
Yung ibang kaibigan ni Bridget tahimik lang parang walang nagyari. Tapos si Maam Tamayo mukhang nawala sa huwisyo magturo.
"Grabe noh? First time ko makakita ng hinimatay. Ganon pala yun" sabi ni Leila sakin habang kagat ang dulo ng kanyang daliri.
"Ako din naman eh" sagot ko din sa kanya.
Nagsimula na ulit ang klase namin.
6pm natapos ang last subject.. Magkasama na kami ni Leila pauwi.
Pagkarating namin sa bahay diretso agad kami sa kwarto. Naligo ulit ako tapos si Leila nag antay lang sa kwarto. Pagkatapos kong maligo tumungo agad ako sa dresser ko at naghanap ng damit na masusuot. Napili ko yung pink dress na above the knee tapos mahaba ang dulo ng tela sa likod. Tinulungan na din ako ni Leila na ayusin yung buhok ko habang nag aaply ako ng light makeup. 7pm na kami natapos at bumaba na rin.
"Nana, aalis po kami ni Leila dun na rin po kami kakain sa pupuntahan namin kayo na po bahala sa bahay" sabi ko agad sa kanya ng makita ko siya sa sala.
"Kaya pala bihis na bihis ka hija. O bat ikaw Leila ganyan lang ayos mo?" nakakunot-noong tanong nya sa kaibigan ko. Civilian yung suot ni Leila wala kasi kaming school uniform.
"Maganda na ko Nana di ko na kailangan magpaganda hehe. Magpapasundo na lang kami sa driver niyo kapag nalate kami ng uwi sa gala namin" sabi ni Leila habang nakaabay sa matanda.
"Osige ikaw na bahala sa kaibigan mo Leila nako lagot tayo sa asawa niyan pag may nangyaring hindi maganda kay Eunice"
"Opo Nana"- Leila
"Teka tawagin ko si Alberto para ipagdrive kayo" sabi niya at aakma na sanang umalis ng pigilan namin ni Leila.
"Nana! Wag na! Kasi a-no uhmm. Magko-commute kami ni Leila. Ok lang naman ako kasi kasama ko si Leila eh. Hindi rin naman namin inistorbo si Manong para sunduin kami kanina. Mamaya na lang paguwi ko" sabi ko sa kanya.
"O sige kayong bahala. "
"Alam na din po ito ni Brent sinabi ko na sa kanya aalis na kami. Aalis na po kami" pagsisinungaling ko sa matanda. Nako Lord sorry nagsinungaling ako today!
"Aba'y kung ganon, ingat kayong dalawa" hinatid niya kami hanggang labas ng bahay. Nag vibrate yung cellphone dahil sa text. It's from Miguel. He's on his way.
"Dun lang ako sa katabing resto Eunice, wait ko na lang kayo ni cous don. Ayoko sumama pa sa luob alam ko madami kayong paguusapan"
Tumango lang ako sa sinabi niya pero ang mga mata ko busy sa paghahanap sa taong gusto ko ng makita.
"Sige na Leila papasok na ko andun na daw pinsan mo eh." Tinignan ko sya sabay ngiti. Umalis din si Leila tsaka ako nagsimulang maglakad papasok sa luob ng restaurant.
Tuloy-tuloy akong pumasok sa luob ng hindi pinapansin ang guard na bumati sakin. Panay ang tingin ko sa paligid. Paglingon ko sa kaliwang dulo ng restaurant tsaka ko nakita ang pamilyar na bulto ng tao na matagal ko ng gustong mayakap at makita. Hindi niya ako napansin dahil nakayuko ito. Naglakad ako dahan-dahan ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nararamdaman ko na unti unting pumapatak ang luha sa aking mga mata. I stop in front of him. Inaangat nito ang ulo ng maramdamang may presenya sa harap niya. I cry silently when finally our eyes met. He stood up and embrace me. Sobrang higpit ng yakap niya sakin. Yakap na nagpapahiwatig ng pagka-ngulila sakin. I feel loved and secured in his arms. Humagulgol na ko at wala na kong pakialam sa tao na nakatingin samin. Ang importante yakap ko na siya. Magkasama na kami kahit na ...
SA NAKAW NA SANDALI LANG ...
PARA SA KALIGAYAHAN NAMING DALAWA ..