Nanggagalaiti ako sa buwisit dahil kay Brent, ni hindi ko nagawang magpaalam ng maayos sa magulang ni Caloy dahil mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng mansyon. Panay ang buntong hininga ko habang nakahalukipkip na nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. "What's with the sigh?" "Hey" "C'mon, stop being stubborn" rinig kong sabi niya sabay buntong hininga. Inis ko siyang hinarap habang seryoso nitong niuu-turn ang sasakyan. "Pwede ba! ayoko makipagusap sayo! Nabwiwisit ako! Kaya wag mo na kong pilitin dahil hindi mo magugustuhan kung ano yung lalabas sa bibig ko!" "Okay..okay..just stop shouting" pagsusuko niya. Inirapan ko lang sya sabay tingin ulit sa labas. Ilang minuto pa ang lumipas ng madaanan namin ang maliit na kubo. Palatandaan ko iyon na m

