Chapter 33 Nainip na ko sa pagkakaupo hindi pa rin bumabalik si Brent. Mukhang kinausap nya pa yung mga pulis. Alam ko namang hindi nito gusto yung desisyon ko kaya malamang may plano iyon. At yon ang dapat kong alamin. Argh! Nakakainis! Ang tigas ng ulo. Wala ata itong tiwala sakin na magsasabi ako ng totoo kaya kinausap pa yung mga pulis. Lumabas ako para hanapin siya. Naabutan ko ito sa may garden at may kausap sa telepono habang ang isang kamay ay nakasuksok sa bulsa. Lalaking lalaki ang dating nito. Kahit sinong tao ay alam na gwapong lalaki ang asawa ko kahit nakatalikod palang ito. “I trust you on this bro, Yeah.. Keep an eye on her, No..” he paused bago nagsalitang muli. “About them.. Uh yeah.. You know what to do.. Teach them a lesson” pagkatapos non ay pinasadahan nito ng pal

