HINDI NA ALAM ni Florence kung gaano na siya katagal sa loob ng banyo. Mula kasi nang magtapat si Kent ng pag-ibig nito kay Anette ay hindi na sila nag-imikan ni Donn, kahit na nga pagkatapos ng munti nilang sikretong kaganapan na iyon sa likurang bahagi ng hardin ng hasyenda. Sa banyo nagtungo si Florence para kalmahin ang nagwawalang damdamin. “Ang tanga-tanga mo kasi. Bakit mo hinayaan ang lalaking iyon na…na…” Naalala rin niya ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Donn nang sabay silang bumalik sa venue at maabutan pa si Kent na nagsasalita sa kalagitnaan ng lahat. Donn was angry. Even after he kissed her, even after she made her feel so special, even when she felt at that special moment that he somehow feel something for her as well, Donn still wanted to be with Anette. “Kaya tam