CHAPTER 18

1188 Words

ABALA SI Florence sa pagmomodelo sa harap ng salamin ng damit na isusuot niya para sa party ni Señora Bettina nang may kumatok sa pinto ng kanyang silid. “Come in.” “Mukhang may lakad ka, ah.” Laking gulat ni Florence nang makita ang kakambal na nakangiting nakasilip sa pinto. “Kent!” Sabik niya itong nilapitan. Para lang malakas na bigyan ng palo sa balikat nito. “Aray naman! Ilang araw na nga akong nawala, hindi ka pa rin nagbago, Florence?” “Pasalamat ka at iyan lang ang inabot mo sa akin, unggoy ka.” Isang beses pa niya itong pinalo sa balikat. “Pinag-alala mo sina Mama at Papa dahil sa ginawa mong pagkawala, alam mo ba iyon?” “Wala namang sinabi sina Papa na nag-aalala sila sa akin nang magpaalam ako sa kanilang magbabakasyon sa resthouse natin sa Tagaytay ng ilang araw.” “Nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD