HINDI pa nangyaring binalewala ni Florence ang kalam ng kanyang sikmura pero isang tingin lang niya kay Donn na nasa harap ng manibela at matamang nakatitig sa daan ay sapat na para umurong ang kanyang dila. Nang dumating ito sa kanilang opisina ay magiliw itong nakipagkuwentuhan sandali sa kanyang ama. Hindi siya makasingit sa usapan dahil nalilito pa rin siya sa mga nangyayari at nagulantang pa ang pagkatao niya nang makita ang lalaki roon. Bukod pa sa sinabi ng kanyang ama na… ‘boyfriend’ daw niya ang binata. What sorcery is this? Nang magpaalam si Donn na isasama si Florence sandali para dalawin daw nito ang lola nito na gustong makita ang kasintahan nito dahil ‘naglalambing’ daw ang matanda, masaya pa ang kanyang ama na ipadala siya sa binata at dalhin kung saan. Hindi na rin pumal