CHAPTER 3

1176 Words
“SIS, YOU really have to help me. Kailangan kong makita uli si Anette.” Eksaherado lang na sinimangutan ni Florence si Kent. Paano, siya man ay may munting dilemma nang mga sandaling iyon. Hindi niya maialis sa isip ang katotohanang ang paborito niyang nurse at ang lalaking nakakuha ng atensyon niya ay magkasintahan. Tapos nag-kiss pa ang mga ito sa harapan niya. How to move on po? Kaya kahit ilang araw na mula nang makalabas siya ng ospital, hayun at umiikot pa rin sa alaala niya ang eksenang iyon. Ang pinakamalala, si Donn. Oo, ang lalaking iyon. She just couldn’t take him off her mind. “Ilang beses ko na bang sinabing hindi ka papatulan ni Anette dahil may boyfriend na iyon?” “I know. Pero hindi siya masaya sa lalaking iyon. I can sense it, sis.” “At kailan ka pa nagkaroon ng sixth sense, aber?” “I tell you, sis. Oras na ma-in love ka, lahat ng imposible ay makakaya mong gawin.” “Makakalipad din ako, ganon?” Hinarap siya ng kakambal. “Florence Cortez, listen to me. I need your help. Minsan lang naman akong humiling sa iyo kaya pagbigyan mo na ako. Kailangan kong makita o makausap man lang si Anette kahit sa huling pagkakataon na lang. Para matahimik na rin ako. I’ve been restless ever since I saw her.” Same here, bro. Ang pagkakaiba lang, ‘yung dyowa niya ang nagpapa-restless sa akin. Asar, di ba? Dalawa pa talaga tayong tinamaan sa mag-dyowa’ng ‘yun. Oo, napansin nga niya na kakaiba na ang ikinikilos ni Kent mula nang makita nito si Anette. Nagsimula na itong magseryoso sa mga responsibilidad nito sa family business nila. Madalas na itong mag-overtime din sa trabaho at hindi na uma-absent. Wala na rin ang mga weekend parties nito. Napag-usapan na nga nila ng kanilang mga magulang na ipa-check up na si Kent dahil sa mga nakikita nilang pagbabago rito. Pero inlove lang pala ang bruho. “Hindi mo puwedeng guluhin ang relasyon nila ng boyfriend niya, Kent.” “Hindi naman ako manggugulo. Gusto ko lang talaga makita at makausap si Anette.” Pinagsalikop ni Kent ang mga kamay nila. “Just this once, sis. Just this once. Bago ako tuluyang mabaliw, because God knows how much I tried to keep her away from my system.” “At may boyfriend na rin siya,” walang ka-amor-amor na wika ni Florence. Saka binawi ang kamay. “Bakit hindi ikaw ang gumawa ng paraan kung gusto mo talagang makausap o makita si Anette? Iniistorbo mo pa ako.” “Nahihiya kasi ako.” Muntik nang masamid si Florence sa narinig. “Ano? Ikaw? Nahihiya? Wow. Big word.” “You don’t understand. Well, I don’t understand this either. Pero kasi…basta. Ngayon lang ako nakaramdam nito, sis. Ngayon lang ako naging ganito ka-uncertain sa buhay. Parang sa isang iglap, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin, when it comes to these feelings I’m having towards Anette.” Malakas itong napabuntunghininga. “Hindi ko ma-explain nang maayos kaya hindi ko na susubukang ipaliwanag. Siguradong hindi mo rin naman maiintindihan. Kapag ikaw ang dumating sa punto ng buhay ko na ganito na rin ang nararamdaman mo, doon mo lang maiintindihan kung bakit ako nagkakaganito, Florence.” Nakaka-awang tingin lang ang ibinigay niya sa kapatid. “Ayoko yatang dumating sa ganyang punto ng buhay ko…” Nanggigigil lang nitong kinurot sa pisngi si Florence. “You are so cute, sis. So, when will you let me introduce to Anette?” “First of all, lubayan mo muna ang mga pisngi ko.” Agad naman siyang pinakawalan nito. “Second, kailangan mong kumain ng hopia na may amag.” “Ha?” “You want to see Anette, right?” “Oo nga pero hindi naman si Anette ang death wish ko, ano. Gusto ko pang mabuhay nang matagal sa mundo.” “Well, the only way to see her is if you have a valid excuse. Para na rin hindi ka mabuking ni Donn.” “Sinong Donn naman iyon?” “Boyfriend niya.” “Kilala mo ang boyfriend niya?” “Oo. Bakit? Masama ba?” Nagdududa siyang pinagmasdan lang ng kakambal. But Florence just dismissed her brother’s doubtful look. “Ikaw ang kumain ng hopia’ng may amag. Ikaw naman. Dahil kagagaling ko lang sa kalbaryong iyon.” “Kailangan ko talagang ma-ospital? Wala na bang ibang paraan? Hindi mo ba nakuha ang cellphone number niya? Email address?” “Hindi. Kaya wala ka nang choice.” Napakamot na lang ito ng ulo, tila pinag-iisipan nang husto kung papatulan ang suhestiyon niya. “Wala na ba talagang ibang paraan nang hindi ko isinasakripisyo ang sikmura ko?” “Meron. Forget about Anette, tapos ang problema nating lahat.” Tumayo na si Florence sa kainuupuang swivel chair at nagtungo sa coffee maker sa isang bahagi ng kanyang opisina para muling magsalin ng kape. “Sigurado ka bang kakampi kita?” Kunot-noo niya itong nilingon. “And what’s that suppose to mean?” “I’m just worried na baka bigla mo na lang akong ibuking sa boyfriend ni Anette. Hindi ba crush mo iyon?” “Hoy! Wala akong crush dun, ‘no?” Nilaklak na niya ang isinalin na kape sa kanyang mug. Bahagya pang napaso ang dila niya nang basta na lang siya humigop ng mainit na likod. “Shit.” “Wala kang crush dun? Good. Dahil hindi kayo bagay. Ang pangit niya at mukha pang babaero.” Asar niyang nilingon si Kent. “Excuse me? Hindi pangit si Donn, oy! At kung pangit siya, ano na ang itatawag sa hitsura mo?” “Akala ko ba hindi mo crush iyon? Bakit ganyan mo siya kung ipagtanggol?” “Sinabi nang hindi ko crush iyon. Kapag hindi ka pa tumigil sa pang-aasar mo, talagang sasabihin ko na kay Donn na kinukulit mo ang girlfriend niya.” “Sis, naman. Hindi ka na mabiro.” Mabilis siyang nilapitan ni Kent at kinuha ang bitbit niyang mug ng kape. “Ako na ang magdadala.” Inilapag nito sa table ni Florence ang mug. Pagkatapos ay inalalayan din siya ni Kent pabalik sa kanyang silya saka minasahe ang mga balikat niya. “Sis, suggestion ko, huwag ka masyado sisimangot. Nawawala kasi ang ka-cute-an mo. Sige ka, hindi na tayo magiging magkamukha.” “Hindi naman talaga tayo magkamukha dahil kasing ganda ako ni Mommy at kasing kulay ka ni Daddy.” Pinisil-pisil na ni Kent ang pisngi ni Florence. “Tigilan mo na ang mukha ko, Kent, kung ayaw mong masamain sa akin.” Sumunod naman ito agad. “Pero, sis, tutulungan mo talaga ako, ha?” “Isang kulit pa at kakalimutan ko na talaga itong usapan natin.” Mabilis na naglakad palabas ng opisina niya si Kent. “‘Love you, sis!” “Tseh!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD