MAXINE "Now, let's talk," turan niya nang tuluyan na kaming mapag-isa sa loob ng pent house. Hindi ko alam kung kailan niya napa-book ang kwartong ito ngunit hindi na iyon mahalaga sa ngayon. "We have nothing to talked about, Hunter." Malamig kong turan sa kanya. "We're already done. Tapos na ang lahat simula pa lamang nang piliin mo si Athena noong nasa Isla tayo." Kunot-noong turan ko sa kanya. "I didn't choose her then," tanggi niya. "You did, Hunter! The moment you shoo me away just because she was being hysterical is enough for me to think that you were choosing her over me!" Hindi ko napigilang bumunghalit ang galit na matagal ko ng kinikimkim sa aking dibdib. Huli na nang mapansin ko ang unti-unting paglalandas ng mga luha sa aking mga pisngi. Akmang hahakbang ito papalapit sa