MAXINE Matapos mag-almusal ay agad akong naghanda papunta sa opisina ni Lucas, ang abogadong kaibigan ni Hunter at siya ring nag-asikaso ng mga papeles namin sa annulment. "Are you going to Lucas' office?" tanong ni Brandon sa akin. "Yes. Pasensya ka na at ikaw pa ang magbabantay kay Maddie," turan ko. Hindi kasi ako kampante na kasambahay lang ang nagbabantay sa anak. "No worries. I also promised her something kaya okay lang." Masayang sagot nito. "By the way, here's the new sim card. Nagpabili ako kanina kay Manang para magamit mo mamaya," dagdag pa nito. Iniabot niya ang isang bagong sim card. Agad kong inabot iyon at mabilis na iniligay sa aking cellphone. Matapos iyon ay mabilis niyang inagaw ang cellphone sa aking kamay. "I saved my number there. Call me if you need anything,"