MAXINE Halos maghapon ko s'yang hindi kinibo. Kahit anong lapit nya sa akin ay pilit ko syang iniiwasan. Tuwing papasok s'ya sa loob ng kwarto ay lumalabas ako upang hindi sya makasama sa iisang lugar. Ilang beses nyang tinangkang kausapin ako ngunit naging matigas ako. This is not about my clothes na sinira nya. This is about him being too possessive. Mas possessive pa sya ngayong hindi nya ako maalala kaysa noong mag-asawa pa kami. Marahang katok ang narinig ko mula sa pinto ng kwarto. "Still mad?" mahinang turan niya mula sa kabilang dako ng pinto. "Go away!" I shouted. Naiinis pa din ako sa ginawa niya kaya wala pa din akong balak na kausapin siya. "I'm coming in," turan niya bago buksan ang pinto. Dali-dali akong tumayo at akmang lalabas ng kwarto nang makapasok ito. Ngunit hindi