MAXINE Last night was a blast. After our dinner at yacht, we went back to our room and made love all night. Halos mag-uumaga na rin nang tuluyan kaming nakapagpahinga. Nagising akong may ngiti sa labi dahil sa lahat ng magagandang nangyari kagabi. Si Hunter agad ang una kong hinahanap pagdilat ng aking mga mata. Kumunot ang aking noo ng hindi ko ito mahagilap. Nagkibit balikat na lamang ako at saka nagtungo patungo sa banyo. Ilang minuto rin ang tinagal ko roon bago tuluyang tinapos ang paliligo at saka lumabas ng banyo. Bahagya akong nagtaka nang wala pa rin akong nakita kahit anino ni Hunter. May kung anong kaba ang biglang sumakop sa aking damdamin. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla na lamang sumagi sa isip ko ang tungkol kay Athena. Hindi ko na mabilang kung naka-ilang buntong h