MAXINE Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kinatatayuan ako. Pakiramdam ko ay lumilipad ang utak ko patungo sa kung saan. Natagpuan ko ang aking sarili na patungo sa mall kung saan namamasyal si Brandon at Maddie. Ngunit kahit na kasama ko na ang dalawa ay tila nasa ibang lugar ang aking utak. "Are you okay?" untag ni Brandon sa akin nang hindi ko namalayang nakatulala na pala ako. Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Nagkita kami kanina," I vaguely said. "Sino? Si Hunter?" Nanlalaki ang matang turan niya. "P-Paano? Anong nangyari?" Sunod-sunod niyang tanong. Ang kaninang pagkagulat na mababakas sa kanyang mukha ay agad na napilitan ng pang-uusisa. "Tsismoso ka talaga kahit kailan," wika ko sabay irap dito. "Can you blame me? This news is juicy!" wika nito saka ipinatong