CHAPTER 45: Forgiveness

2102 Words

Lorna Napatingala ako kay Denver na ngayo'y nakasandal sa inside back nitong couch na kinaroroonan namin. Kasalukuyan akong nakahiga at nakaunan sa lap niya habang siya naman ay nakaupo. Mahimbing siyang natutulog habang nakayakap sa akin ang mga braso niya. Ako naman ay nakaharap sa tiyan niya at nakayakap din sa baywang niya ang isa kong braso. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Bahagyang nakaawang ang mga labi niya at naririnig ko ang mahina niyang paghilik. Marahil ay ngayon lang din siya nakatulog ng mahimbing mula sa halos dalawang linggo din niyang pagkakakulong. Sino ba naman ang makakatulog ng mahimbing sa kulungan na 'yon kung alam mong kriminal ang lahat ng mga kasama mo doon at minsan na ring napagbantaan ang buhay niya. Hindi man lang siya nag-ala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD