Lorna Inuna na akong palabasin ni Denver mula sa storage room habang dala ko ang mga gulay na kakailanganin namin sa kusina. Nakasalubong ko ang mga tingin sa akin ng lady guard na nananatili sa pinto ng canteen. Nag-poker face din siya habang nakatitig sa likuran ko. Lumingon ako sa likuran ko at nakita kong naroroon na si Denver. Naglalakad na at napakaganda pa nang pagkakangiti niya. Hindi ko malaman kung kanino siya nakatitig, sa akin ba o sa lady guard na ito? So, ibig sabihin ay kasabwat niya ang lady guard na ito? Hindi kaya binayaran niya ito para hindi magsalita? Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kusina. Sinalubong naman ako ni Geraldine at kinuha niya mula sa akin ang mga gulay. "Did you wash?" tanong niya na hindi ko kaagad naintindihan. "H-Ha?" Nginiwian niya lang ak