"It's so hard for me to hide what I really felt that time. Alam mo bang pagkatapos ng hapunan ay diretso agad ako sa kwarto para umiyak. Ang hirap ng pakiramdam ko noon, Zoo. Lagi nalang patago ang iyak ko sa tuwing maalala ko si Julie," pahayag ko na parang ang hirap huminga dahil sa lungkot na nararamdaman ko 'pag naaalala ko ang nakaraan. "I also felt that during those days. My Mom always asked me kung bakit ako umiiyak. Lagi niya kasing naabutan na mugto ang mata ko." "Then, what did you said to her?" I asked. "I said na kaya ako umiiyak, eh, dahil sa pinapanuod kong Korean drama. Luckily, naniniwala naman siya," paliwanag ni Zoo at muling uminom ng alak. Pagkatapos niyang ubusin ang alak sa kanyang baso ay sinalinan ko ulit iyon ng alak. "Paano mo naman sinabi sa kanila na gusto m