INAYOS ko ang strap ng aking dress sa balikat saka ko tinignan ang aking mukha sa front view mirror ng sasakyan. Napansin ko ang bahagya niyang paglingon na naging dahilan nang paglingon ko din sa kanya. "How long we will get there?" I asked. "Five minutes," saka niya pina-start ang sasakyan. "Hindi mo kaya ng four minutes?" tanong kong sinabayan ng ngisi. "I'll try," at bigla niyang pinatakbo. "Ano ba!?" Napahawak agad ako sa aking upuan at tumingin sa daan na aming binabaybay. "What the heck?! Dahan-dahan naman!" sigaw ko na agad naman niyang sinunod. Papunta kami ngayon sa event kung nasaan ang target. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Dad ay napilitan akong sundin ang pakiusap nito. At ito nga ang isama ko si Archer sa lahat ng lakad ko. Kahit labag sa kalooban ay pumayag na lang