"Anong gagawin mo kay Julie?! Dave! 'Wag!" sigaw ko habang nakikita ang pagpulupot ni Dave ng alambre sa leeg ni Julie. Pinilit pa ni Julie na gumalaw habang hawak-hawak ng dalawang lalaki ang kanyang kamay at paa. "Dave! 'Wag mong gawin yan!" Zoo shouted at muling humagulgol ng iyak. "Please, Dave. 'Wag!" Hindi kami pinakinggan ni Dave ni maski bumaling ng tingin sa amin ni Zoo ay di niya ginawa. Kitang kita ko ang paggalaw ng paa ni Julie at ang paghigpit ng hawak ni Dave sa alambre. Hanggang sa dumahan ang paggalaw ni Julie at ilang segundo lang ay bumaling ang mukha ni Julie sa direksyon namin ni Zoo. Nakabukas ang kanyang mata na hindi na kumukurap at patuloy ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang bibig. "Julie! Julie! Wake up! Julie!" I cried while shouting her name. I can't describe