"GOOD EVENING, everyone. It's an honor for having you here tonight." Abala sa pagsasalita ang speaker sa taas ng entablado kung saan lahat ng imbitado ay doon nakaharap. Bawat mesa ay may apat na taong nakaupo. Halos lahat ng nandito ay mga Business Man. Pasimple kong nilibot ang ang aking tingin sa paligid. Sinisiyasat kung nandito ang aking kapatid. Kahit sinabi ng aking tauhan na piling mga Business man lang ang nandito ay kailangan ko pa rin makasiguro. Kung nandito man siya ay magdo-doble ingat ako, hindi naman niya siguro ako makikilala dahil sa suot kong wig na tulad ng buhok ng Hollywood Actress, curly blonde hair. I decided to wear a silk flowy black dress na halos hindi natakpan ang kalahati ng aking likod. Sinadya ko ding itaas ng bahagya ang skirt upang makuha ang atensyon ng