"DO YOU know him?" wika ng lalaking nakahawak sa braso ni Mel. Matalim na tingin ang ibinigay nito sa akin at muli na namang nagsalita. "Leave her alone or else I'm gonna call my bodyguard." "Dave just dont mind him. Lets go," sabat ni Mel. Lumingon siya sa akin at pasimple akong pinandilatan ng mata. "Let's go, Alyssa." segunda naman nito saka hinawakan ang kamay ni Mel. Bahagya nitong hinatak ang kamay ng aking amo saka lumakad Hindi ko na nagawa pang sumagot sa halip ay huminga na lang ako ng malalim at pinagmasdan na patungo sa kanilang table. Shit! May kung anong sakit akong naramdaman at pamilyar na ako rito. Ganitong ganito ang pakiramdam sa tuwing nakikita kong may kasama siyang iba. I'm used to it but I can't deny the fact how painful it is. Bigla akong napatras nang may sum