ABALA silang lahat sa pagku-kwentuhan habang naghahapunan. Nakikinig lang ako, ngingiti at sasagot ng matipid. Nasa tabi ko ang aking ina nasa kabilang gilid ko naman si kuya habang si Archer at Dad ay kaharap ko. Kahit gusto kong mag-focus muna sa family dinner na ito ay hindi ko mapilit ang isip ko. Hindi kasi ako mapakali dahil kakaisip kay Dave. Wala sa sariling napalakas ang pagtusok ko sa beef steak na nasa aking pinggan. Biglang natahimik ang lahat at sa akin napunta ang kanilang atensyon. "Anak, matigas ba ang karne? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" my Mom asked. Umiling ako saka bumawi ng ngiti. Humiwa ng karne at kinain. "No, Mom. Ang sarap nga nito. Nakaka-miss ang luto mo," sagot ko habang ngumunguya. "Archer, mabuti at nakasama ka ngayon. Matagal na kitang niyaya mabut