DAPIT hapon na nang mga oras na iyon ng ihatid namin si Julie sa kanilang tahanan. Hindi nakapasok ang dala naming sasakyan dahil maliit na ang daanan papasok sa lugar kung saan siya nakatira. "Mela, Zooey, salamat sa paghatid," wika niya na nakahawak na pinto ng bukasan ng sasakyan. Naunang bumeso si Zoo sa kanyang pisngi. Ako naman ay nakatingin lang sa kanila. Alam kong walang malisya iyon kay Julie ngunit iba ang dating sa akin. May kaunting kaba at nahihiya akong bumeso sa kanya. "Mela, uuwi na ako." "Mel, uuwi na daw si Julie," magkasunod na sambit nilang dalawa kaya ako, napilitang bumeso sa pisngi ni Julie. Idinikit ni Julie ang pisngi sa aking pisngi. Ramdam ko ang malambot niyang balat na tila nahagip pa ng kaunting labi niya ang aking pisngi. "Ingat kayo, ha," wika ulit ni