NAMIMIKIT ang aking mata habang naririnig ko ang boses ni Dad. Paos nanginginig at galit na galit. Apat kaming nasa opisina niya, si Mom, si Kuya, ako at siya na kanina pa sermon ng sermon. Parang hindi na siya nasanay na lagi akong nasa police station. Ambot lamang, Dad. Gusto ko sanang sabihin ngunit sinarili ko na lang. Baka madagdagan pa ang oras ng panenermon niya at abutin kami dito ng madaling araw. "Mela, alam mo ba ang pinag-gagagawa mo? Nababaliw kana ba? Ilang beses mo nang ginagawa ito--" "Pang labing isa na ito Dad na pinasundo mo ako sa police station," mabilis kong sagot at ang noo niya ay lalong kumulubot. Lalo ding gumihit ang nanininingkit niyang mata at ilang saglit at binagsak niya ang kanyang kamao sa mesang kanyang kaharap. Namayani ang katahimikan at di ko na mag