PAGKATAPOS ng nangyaring engkwentro ay walang balitang lumabas tungkol sa pagkamatay ni Dave. Ang tanging nakakaalam sa pagkamatay nito ay ang matataas na tao sa lipunan. Kahit nawala na ang kriminal na siya ay hindi pa rin mapanatag ang isip ko. Lumipas ang mga buwan ay hindi ko pa rin mapigilang sisihin ang aking sarili. Hindi rin ako makatulog sa gabi dahil palaging sumasagi sa isip ko si Julie. "Anak, tumawag ka kaagad pagdating mo doon, ha?" nakangiting wika ng aking ina. Kahit siya'y nakangiti ay halata sa mata niya ang lungkot na pilit niyang kinukubli. Nalaman na din niya ang nangyari, pati na ang sinapit namin ni Zoo. Batid ko din na tila marami siyang gustong itanong ngunit ramdam ko ang pagpipigil niya, marahil ay nag-aalangan siya dahil nakikita at nararamdaman niya na nagsisi