“Unckye, you’le dliving wele too shlow,” asar na sabi ni Alerina na sumama pa talaga sa dalawa pauwi ng Dizionario Estate. Limang araw na natili si Heronisa sa ospital at limang araw ding naroon ang bata at nakikipagkuwentuhan sa dalaga. Mabuti nalang at gustung-gusto ni Heronisa ang bata lalo na kapag kausap niya ito. Hindi mauubusan ito ng kuwento at panay lang salita nito na siya namang pinakikinggan ni Heronisa. Napakurap nalang si Lorenzo at inirapan ang pamangkin na nasa likod umupo. Hindi lang ang mga tauhan ni Lorenzo ang nakasunod sa kanila maging ang mga bantay ni Alerina ay nakasunod sa kanila. Heronisa giggled, she was enjoying watching her man frustrated while Alerina is teasing him. “Bakit ka pa sumama sa amin Alerina, you have your home naman,” naasar na sabi ni Lore