“Boss, galit sa’yo ang dalawang Prinsesa huwag na huwag ka daw talagang magpapakita sa kanila,” ani ni Traverse habang nasa kotse sila papunta sa kung saan. Bibisitahin nila ang isang ‘kaibigan’ ngunit, bago umalis si Lorenzo ay tinipon niya muna ang lahat para balaan at bantayan ang pinaimportante niyang kayamanan. Sa mga hindi nakapunta dahil may tinatrabaho dahil sa utos niya ay pinatawagan niya ang mga ito sa iba. Ayaw niyang umalis sa mansyon at iwan ang kanyang si Heronisa habang nasa labas siya at nagtatrabaho pero hindi pwede dahil ang ginagawa niya ngayon ay para sa dalaga. Kung noon, ginagawa niya lamang ito para sa kasiyahan at hindi siya ma-bored ngayon ginagawa niya ang mga bagay na ito upang mapunan ang lahat ng pangangailangan ni Heronisa kahit pa sabihing sobra-sobra na