“f**k! f**k!” Mura ni Lorenzo habang pabalik-balik sa loob ng silid ni Heronisa dito sa ospital. Panay din ang palakad-lakad niya paroon at parito. Matapos ang nangyari sa Japan, hindi na ninais pa ni Lorenzo na manatili sa lugar na iyon at kahit kailan ay hindi na niya gugustuhin pang tumapak roon. Idiniretso niya sakay ng private jet si Heronisa pabalik ng Pilipinas at agad na dinala sa ospital. And now, here they are. Matapos isugod sa emergency room ay agad na nilunasan si Heronisa. Sinalinan ng dugo at inilipat sa presidential suite si Heronisa. Ilang oras na ang makalipas nang makadating sila rito at maglulunch na. Malalim na ang gabi ng umalis sila sa Japan kasama pa ang iba. Umuwi na ang mga kapatid niya pabalik sa mga pamilya nila. They deserved it after that crazy ‘escapade