CINDY's pov " cindy." Tawag sa akin ng isang lalaki. Madilim at wala akong makita. Nasan ba ako? " m---" pamilyar sa akin yung bosses na yun. Siningkit ko ang mga mata ko wari'y tinitignan ang madilim na paligid ko. Umaasang may makikita akong tao. May mga naririnig akong yabag na papalapit sa akin. Wala talaga akong makita sa paligid dahil madilim. Pwera nalang sa kinatatayuan ko. Animoy spot light na nakatutok sa akin. " cindy.." Tawag niya ulit. Alam kong malapit na siya sa akin dahil unti unting lumalakas ang bosses niya. Hindi talaga ako pwedeng magkamali.. Nang makalapit siya ay nasilagan ng liwanag ang kanyang mukha. Hindi lang mukha.. Kundi buong katawan. " matt.." Bulong ko. " cindy.. Sana mapatawad mo ako .. Sana mapatawad mo dahil sinaktan kita.. Pero maniwala