Rufina Schafler "Gail?" tawag namin. Napatigil ito sa pagkain ng kwek-kwek saka nanlalaki ang mga matang napatingin sa amin. "Kayo pala," sabi nito saka ngumiti nang hindi abot ang mga mata. "Halika, pasok tayo sa loob," pag-aaya ni Naomi sabay turo ng restaurant kung saan kami galing. Napatingin si Gail sa restaurant saka tila ba nag-aalangan na tumanggi. "May lalakarin pa kasi ako," aniya. "Mamaya na 'yan, halika na!" saad ni Naomi saka ito hinila. "Miss, bayad mo sa kwek-kwek," sigaw ng ale. "Ay, oo nga oo. Pasensya na po kayo," sabi ni Gail saka dumukot ng wallet sa bag. Hindi ko sinadyang mapadungaw nang dumukot ito ng pambayad ngunit hindi ko ini-expect na halos walang laman ang wallet nito. "Magkano po?" tanong nito. "Twenty pesos, Miss," sagot ng Ale saka tinaggap ang bayad