Miaka Del Valle Nagising ako nang maramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan. Lumapit ang isang sundalo sa sasakyan at ibinaba ni Inspector ang salaming bintana. Lihim akong nagdiwang dahil t'yak na mapipilitan itong kalagan ako. Napatingin ito sa aki. At sa kamay kong nakaposas. "Mawalang galang na po--" natigilan ang sundalo nang magkatitigan sila ng Inspector saka sumaludo sa kanya, "Inspector!" saad nito at sumaludo rin ang huli. Napabuntong hininga na lang ako sa pagkadismaya. Bakit ko ba nakalimutan na alagad din ng batas itong kasama ko. "Anong meron?" dinig kong tanong nito sa kausap. Yumuko ang huli saka ito nagsalita sa napakababang tono ngunit sapat lang para marinig ko, "may natanggap kaming banta ng terorista," saad nito. Pinanlakihan ako ng mata sa narinig. "Probability rate?