Ashlin Gail Grant "Congratulations, Ms. Grant. You may start tomorrow." Tulala at lutang pa rin akong nakatayo sa harap ng saradong pinto. Paulit-ulit ang salitang 'yon sa utak ko. Did I really get the job? "Baby, narinig mo 'yon?" Abot tenga ang ngiti ko habang sapo-sapo ko ang t'yan, "may trabaho na si Mommy, makakakain ka na ng masusustansyang pagkain." Walang pagsidlan ang saya ko sa swerteng dumating sa buhay ko. Narinig ko ang tunog ng elevator kaya dali-dali ko itong tinungo. Sa sobrang saya ko ay gusto ko agad na balitaan si Lea. Isang palapag na lang at magbubukas na ang elevator. Habang nag-hihintay ay hinalungkat ko ang cellphone para matawagan si Lea. Bumukas ang pinto ng elevator. Batid kong may lumabas ngunit dahil sa nakayoko ako ay hindi ko nakita ang mukha nito. Hindi