Henrick Gatchalian Matapos ang mahabang pag-uusap ay umalis na si Dad. Tahimik na napaupo si Lola kaya lumapit ako dito. "La," mahina kong sambit. "Kukunin ka na ng tatay mo," usal nito sa malungkot na tono. "Kaya po ba hindi niyo sinabi sa akin na siya ang papa ko?" tanong ko dito. Hindi ito tumango sa halip ay napatingin ito sa akin, "pasensya ka na ha, naging makasarili si Lola. Nang mawala ang mama mo ay natakot ako na pati ikaw ay mawala din," napabuntong hininga ito. Naupo ako sa harap niya saka hinawakan ang kamay niya, "mas maganda sana ang buhay mo kung ibinigay kita sa kanya," dugtong nito. Nagpalingo-lingo ako. Mahal na mahal ko si Lola, sobra lang ito kung mag-isip. "La, wala kayong kasalanan. Ang saya ko nga na nakasama ko sa inyo. At isa pa, alam niyo namang magulo ang