Ashlin Gail Grant "Are you ready for tonight?" tanong sa akin ni Holly. "Yes, Mr. Roberts," sagot ko. It's been five months mula nang dalhin ako ni Holly dito upang gamutin at sa tulong nito at ng mga magagaling na Doctor ay gumaling ako. I even regained my ability to talk na akala ko ay hindi na babalik. Pumasok ako sa loob ng silid at saka tiningnan ang inihanda nitong damit para sa dadaluhan naming event. Napakahalaga ng event na 'to kung tutuusin dahil tatanggap si Holy ng awards at paniguradong hahakot nanaman ito ngunit para kay Holly ay pangkaraniwan na lang ito. Kaya naman bilang pasasalamat sa tulong at pagligtas nito sa akin ay pinaunlakan ko ang imbitasyon nito na maging kapares nito sa event. Pumasok ang mga make up artist na pinadala ni Holly. Iginiya nila ako paupo sa