Third Person's POV "Zach, you need to go. You need to attend the Launch," sabi ni Levi dito, ngunit tila ba walang narinig si Zach. Nanatili itong tahimik habang nakaupo sa couch hawak-hawak ang baso ng alak. "Where's Gail?" halos pabulong nitong turan ngunit sapat lang upang marinig ni Levi. "We will find her after this event, okay?" pangako niya dito. Naupo si Levi sa tabi ni Zach saka tahimik itong sinabayan sa pag inom. "Mahal mo na?" maikli niyang tanong dito. Hindi umimik ang isa, sa halip ay nagsalin pa ito ng alak at uminom. "Mahal mo na nga," pabulong na turan ni Levi. Nagsalin din ng alak si Levi saka uminom. He cleared his throat nang maramdaman ang pagdaloy ng kakaibang pait na hatid ng alak. Inabot niya ang bote at binasa. 'kaya naman pala iba ang sipa, napakatapang pala