Drake Tyler Crawford "How is she?" tanong ko sa Nurse nang makabalik ako sa silid nito. "Nakatulog po, Doc." Tugon nito habang inaayos ang higaan ng pasyente. Lumapit ako upang tingnan ito mula ulo hanggang paa. Mabilis na naghilam ang ibang parte ng katawan nito may mga parte pa ring hindi pa gaanong magaling. "Nurse, palitan na rin natin ang benda niya," utos ko dito. "Okay, Doc." Dali-dali kong dinukot ang cellphone nang tumunog ito dahil baka magising pa sa ingay ang pasyente. Bumungad agad sa akin ang iyak ni Samantha mula sa background. "Naririnig mo naman siguro?" diretsahang saad ni Sierra. "What happened to her?" tanong ko dito. "Ano pa ba, eh di hinahanap ka," sagot nito. "You really have to get Samantha," tila ba pagod na turan ni Sierra, "para akong nagbabantay ng bata