Third Person's POV
Magmula nang tumira si Gail sa bahay ni Zach ay nag-iba na ang buhay niya. Hindi na tulad ng dati na siya ang nasusunod at nagagawa niya ang alin mang naiisin. Wala na ang dating marangyang pamumuhay.
Natigil siya sa paglalakad at napatingin sa pinto ng Maid's quarter. Mapakla siyang natawa nang sumagi sa isip niya kung gaano kalawak ang kwarto niya sa America, banyo niya lang ata ang kwartong tinutulugan niya ngayon. Papaano nga ba ako napadpad sa ganitong lugar-- sa ganitong sitwasyon? Tanong niya sa sarili Kasunod ng tanong na 'yon ay ang pagbuhos ng mga alaalang nagpaulila sa kanya.
Halos liparin niya ang daan mula Toronto Pearson Airport papuntang North York General Hospital makita lang ang kakambal niyang nakaratay sa higaan. Agad niyang binuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang may sakit na kapatid. Parang nilalamukos ang puso niya sa tanawing iyon. Dahan-dahan siyang humakbang at inabot ang kamay nito, nagbukas ito ng mga mata saka matamis na ngumiti. Napatingin siya sa kamay nitong putlang-putla na at payat na payat.
Unti-unti nang namuo ang mga luha niya sa mata, bago pa man iyon malaglag at makita ng kapatid niya ay mahigpit niya na itong niyakap. Lihim siyang nagpunas ng luha, ngunit sa halip na tumigil ay mas lalo lamang lumakas ang pagdaloy ng mga ito lalo pa nang gumanti sa yakap niya ang kapatid, isang mahigpit na yakap ng pamamaalam.
"You made it! Nakarating ka," pabulong nitong turan sa kanya, sabay haplos sa mukha niya.
"Ate I'm sorry, late ako..." sa gitna ng kalungkutan ay pinilit niyang ngumiti sa harap ng kakambal.
"It's okay Gail, masaya akong nakita kita, namiss kita ng sobra," sa narinig ay di niya na naawat pa ang sarili, napahagulgol na siya ng iyak.
"Kailan ka pa nandito, ba't di mo sinabi?" umiiyak niyang tanong
"Tatlong buwan na," maikli nitong tugon, "di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gail, I won't last long and I want to ask some favor from you," di na nabigla si Gail sa narinig dahil nakausap niya na ang Doktor.
"Ano po iyon, Ate Ria? Kahit ano po gagawin ko para sa’yo." Hinawakan niya ang kamay ng kakambal na para bang ayaw niya na itong pakawalan.
"Naaalala mo ba 'yong notebook na sinulat natin noon?" napatingin siya sa mukha ng kapatid. Dinukot niya sa bag ang notebook na tinutukoy nito.
"Eto ba ate?" tanong niya habang ipinapakita ang isang lumang notebook. Ngumiti ang kakambal niya saka tumango.
"Uwi na tayo Gail at gawin na natin ‘yan lahat." Muli niyang hinawakan ang kamay ng kakambal saka tumango.
Umuwi sila ng Pilipinas at ginawa ang lahat ng nakasulat sa notebook na ‘yon, ang mga planong isinulat nila ay nagawa nila sa maikli at huling pagkakataon.
"Eto na ba ang huli sa listahan, Gail?" tanong ng kakambal niya habang nakaupo sila sa tuktok ng bundok kung saan natatanaw nila ang buong syudad.
"Mn," Maikling tugon ni Gail, ayaw niyang magsalita dahil pakiramdam niya kapag nagsalita siya ay paniguradong iiyak nanaman siya.
"Gail—" narinig niya ang pagtawag nito.
"Mn?" hanggat maaari ay ayaw niyang magbitiw ng isang mang kataga.
"Papasikat na ang araw—" pabulong nitong turan habang nakatingin sa papalabas na araw. "—ngunit ako'y papalubog na," wala siyang mahimigang lungkot sa boses nito pero siya—siya ang labis na nasasaktan. Hindi iyon maiintindihan ng kakambal niya, dahil hindi naman ito ang maiiwan, hindi ito ang mawawalan. Kumawala ang luha na agad niya namang pinunasan, dali-dali niyang hinawakan ang kamay ng kapatid saka mapaklang ngumiti.
"Gail, can I have my last wish?" tanong nito. Tumango si Gail habang titig na titig sa nakangiting mukha ng kakambal. Buo na ang isip niya, buong puso niyang tatanggapin ang ano mang hiling ng kakambal.
"You know how much I love Zach Aiden, right?" tumango siya nang marinig ang tanong nito. Alam niya kung gaano kamahal ng kakambal ang lalaki. Nagawa nga niyang magparaya noon para sa kakambal, pilit niyang pinatay ang pagmamahal na 'yon para sa binata maging masaya lang ang ate niya.
"I've shared a life with you, Gail-- while Zach is my everything. I can't leave that everything to someone else, aside from you. I want to stay alive in his memory--" pinanlakihan ng mata ang dalaga nang marinig ang sinabi ng kapatid.
"What do you mean? You want me to act as you?!" bulalas niya. Hindi niya lubos isiping hihiling ito ng bagay na napakaimposible.
"Please Gail-- Please." pakiusap ng kakambal niya.
"Ate Ria, ang hirap naman. Siguro may gusto ako sa kanya, pero noon pa ‘yon, nag-give way na ako sa inyong dalawa, diba? Dahil alam kong ikaw ang mahal niya. Isa pa malalagay na lolokohin natin siya, at mali ‘yon," tumutol siya sa nais mangyari ng kapatid.
"Kaya nga ikaw ang gusto kong makasama niya habang buhay dahil alam kong mamahalin mo talaga siya. Sobra kung magmahal si Zach to the point na nabubulag na siya. And I am afraid to leave him with someone I don’t know. Zach has the possibility to be fooled because of the genuineness of his heart. He looks strong but he has the most fragile part-- his heart," umiiyak na turan nito, she felt guilty.
"Ate, hindi naman 'yon ganoon kadali," sinapo ng mga kamay niya ang mukha nito.
"I know Gail… I know. But please, you don't have to act as me, I don't care kung sa anong paraan basta ang gusto ko lang ay kayo ang magkasama habang buhay. Just be yourself, baby. Be the Gail I knew and he will love you more than the way he loves me," napatingin siya sa kamay ng kakambal na nakahawak sa mga kamay niya pabalik sa mukha nitong nagsusumamo. Matagal pa bago siya nakapagsalita. Hindi niya matitiis ang kakambal
"I’ll try," halos pabulong niyang turan. Nakita niya kung paano nabigyang buhay ang dating matamlay nitong mukha.
"Salamat Gail," maraming tumatakbo sa isip niya ngunit ang makita niyang masaya ang kapatid ay sapat na upang mawala ang mga pangambang ‘yon.
"Ako na magmamaneho ate," mungkahi niya ngunit nagpumilit ang kakambal, sa halip na makipagtalo ay pinagbigyan niya na lamang ito. Inaantok siya pero mas pinili niyang manatiling gising, wala siyang sasayanging oras na makasama ang kapatid.
"Palagay ko hanggang dito na lang ang pagsasama natin," agad siyang napatigil sa pagtawa saka kunot noong napatingin sa kakambal.
"A-ate?" Malakas ang takbo ng sasakyan at makipot ang daan pababa ng bundok. Nakita niya ang butil-butil na pawis sa maputlang noo ng nito. Hinaplos niya ang mukha nito. Nakita niyang makailang beses nitong inapakan ang pedal ng break. May hindi tama.
"Tanggalin mo ang seatbelt!" utos nito na sinunod niya naman.
"Gail, si Zach—alagaan mo siya. Maging masaya kayo. Mahal na mahal kita, Ashlin baby," pinanlakihan siya ng mata sa sinabi nito, kasunod noon ay bumukas ang pinto na kinasasandalan niya. Bahagyang isinayad ni Ria ang kotse sa rail ng daan upang medyo bumagal ang takbo nito.
"Ateee!" sigaw niya nang itinulak siya nito palabas ng sasakyan.
Hindi niya maigalaw ang buong katawan, may naririnig siyang mga tao, tunog ng ambulansya at pulis. Napakaingay. Napakagulo. Nais niya lamang matulog at magpahinga. Pagod na pagod siya.
“Miss? Stay with me!” rinig niyang turan ng isang babae. Pakiramdam niya’y may yumuyugyog sa kanya pero di niya maigalaw ng katawan.
"Ang kotse?" rinig niyang tanong ng isang lalaki mula sa di kalayuan.
"Sumabog nang mahulog sa ibaba, Sir. Di na nakaligtas ang sakay noon.”
“Kumusta ang pasyente?" tanong naman ng isa pang lalaki nang mga sandaling 'yon alam niya na, na wala na si Ria.
"Walang malay, buti na lang at tumalon 'to ng kotse. Kung hindi'y patay rin ito."
'Mahal na mahal din kita, Ate Maeve. Bakit hindi na lang tayo— nagsama?' Mga katagang nanatili sa isip niya, dahan-dahang sumara ang mga talukap niya sa mata, hanggang sa wala na siyang marinig pa.
***
“Ria!” pabalikwas na nagising si Zach nang marinig ang tunog ng telepono. Nanlalabo pa ang mga matang kinapa niya ang pinagmulan ng ingay ngunit agad naman itong namatay. May siyam na missed call na ang rumihistro sa screen. Naihilamos na lamang niya ang palad sa sariling mukha nang di mapagtanto kung sa tunog ng telepono ba talaga siya nagising o sa panaginip.
Tatlong magkakasunod na araw niya nang napapanaginipan ang dalaga ngunit kakaiba ang panaginip ngayon, tila may kirot sa kanyang puso, tila ba may nawala sa kanya. Napabuntong hininga siya saka sinuri kung kanino nagmumula ang mga tawag.
Napakunot noo siya nang makitang ang lahat nang tawag ay nagmula sa kanyang kanyang kapatid. Dali-dali niya itong tinawagan na agad namang sinagot ng nasa kabilang linya.
“Zee…” Batid niya ang lungkot sa boses nito. Tumayo siya at nagsindi ng sigarilyo saka pumunta sa deck nang kanyang kwarto.
“What’s wrong, Sierra?” tanong niya sa kapatid sa mababang tono. “Can’t sleep, sweetie?” he added nang wala siyang makuhang sagot mula sa kabila.
“I’m scared, Zee. I did a big mista,” napabuntong hininga siya nang marinig ang kumpisal nito. Ramdam niya sa panginginig ng boses nito ang matinding magkabahala. Sigurado siyang may kinalaman nanaman ‘to sa magulang nila at sa pagiging suwail ng kapatid niyang babae.
“Will you hate me too, Zee?” pangamba at takot ang nahihimigan niya sa dalaga. Di niya man alam kung ano ang detalye o kung ano ang kasalanang tinutukoy nito ay di na siya nagtanong. Kialla niya ang kapatid, kapag naiipit ay lalong lumaalayo.
“No, sweetie. I can never do that to you. Kahit ano pa ang nagawa mo, I can never hate you, Sierra.” he assured her.
“Sure, Kuya?” biglang sumigla ang boses nito, “you’re the only one I have, Zee. Don’t leave me. Mom and Dad hates me,” ani ng dalaga.
“I will never turn my back on you, sweetheart,” malambing niyang turan. Mahal na mahal niya ang nag-iisang kapatid kahit gaano pa man ito kapasaway.
"But… I'm a bad girl, Zee," he chuckled upon hearing what his sister said. Napaka-childish pakinggan, well, what does he expect? She's still 19 years old. She's a baby.
"So what if you are? You're my bad girl, remember?" he's trying not to crack a laugh, or it will disappoint her.
"True. You always fix everything for me," she said, recalling the past when she got her school on fire and Zach fixed it by talking it out with the board of directors. "Never did you yell at me. You never raised your voice at me. You're always sweet and warm towards me. Thank you, Zee,” nabahiran na ng saya ang kanina’y malungkot na boses nito, bagay na ikinapanatag ng loob ni Zach.
“Exactly, sweetie. Now go to bed, it’s almost 4am. Sleep or you’ll get ugly,” pabirong niyang turan. Narinig niya ang mahina nitong pagtawa.
“Good night, Kuya,” paalam ng dalaga.
“Good night, Sweetheart,” sagot niya. Napatingin siya sa upos niya ng sigarilyo. Idiniin niya ang ngbabagang dulo nito sa rail ng deck nang maalala ang bilin sa kanya ng kasintahan. Ayaw nitong naninigarillyo siya, ayaw niya ang amoy ng usok na nagmumula sa sigarilyo.
Napatingin siya sa kalangitan at napuna niyang walang ni isang bituin at maalinsangan rin. He scrolled through his phone and looked at Ria’s old pictures, kahit papaano ay naibsan ang pangungulila niya rito.
Naalala niyang mag-iisang linggo na itong di tumatawag sa kanya, ang pinakamahabang panahon na di sila nag-usap. Dati kasi’y di niya lamang ito nakakausap ng tatlong araw dahil sa trabaho nito, bagay na naiintindihan niya naman. Ngunit iba ngayon, ni isang text ay wala-- doesn’t sound like Ria.
He dialed her number ngunit out of service na ito, napakunot noo siya. He scrolled through her social media at walang bagong post. Isang linggo na rin mula nang maging active ito. Di niya mawari ang nararamdaman. He doesn’t know whom to call. Then he realized how limited his contacts are to check on her. Actually there’s no one in his contacts that can be a means to check her.
Tulala lang siyang nakatitig sa telepono nang biglang naging active ang dalaga sa IG nito. Dali-dali niyang tinipa ang direct message upang kumustahin ito.
“Baby,” simula niya. Nagmarkang nabasa na ito ng dalaga. He’s eagerly waiting sa reply nito, not blinking an eye habang nakatutok sa 3 dots, palatandaan na typing pa ang kabila.
Magdadalawang minuto rin itong typing kaya he’s expecting na mahaba ang sasabihin nito.
“Yes?” He could sense the coldness pero binalewala niya.
“How are you? You haven’t hit my inbox for a week so I’m wondering if everything’s alright?” dagdag niya. Lagpas kalahating oras pa bago siya nakatanggap ng tugon.
"Everything's okay. Don't worry. I have to go now, and will be very busy. Take care, Baby," he felt the estrangement, pero nang makita niya ang endearment nito. He ignored those thoughts and drew a wide smile.
“Sure, Baby. Take your time. I love you,” Isang oras. Dalawang araw. Tatlong linggo. Apat na Buwan na ang nakararaan but he never heard from her again.
***
“Zee!” excited na sigaw ng kapatid nito saka yumakap sa kanya.
“You look happy, Sierra,” sabi niya dito.
“I am,” sagot ng kapatid.”
“And why is that? Hm?” pinilit niyang ngumiti sa kapatid.
"Because everything went well with my plan. My life seems a bit easier," abot tengang ngiti nito. "But you seems to be down, Zee. why is that?” nag-aalala nitong tanong.
“It’s nothing, I’m totally fine, sweetie. Go get a drink. Soda, no alcohol,” paalala niya sa nakababatang kapatid na ginantihan lamang nito ng ngiti.
Nasa bahay niya ang kapatid at mga kaibigan, nauna lamang dumating si Drake at si Sierra. Inilapag ni Drake ang inumin sa mesa. “You okay, Bro?” Tanong sa kanya nito, marahil ay napuna nito ang dinaramdam niya.
"Am not," he sighed, then poured a glass of vodka.
“You can always talk to us,” sabi ng kaibigan saka tumunga ng alak. “You know, you need to let it out if that troubles you a lot. Lalo ka lang mabibigatan,” napatingin siya rito. He feels heavy at tama nga ang kaibigan niya, he needs to let his thought out.
“I think Ria is changing,” aniya. Nakita niya ang pagkunot ng noo nang kaibigan kaya dinugtungan niya na. “She’s not reaching out to me. She seems to avoid me. It’s been months since we last talked at maikling kumustahan lang 'yon kasi sabi niya she will be very busy. That was odd but I ignored it but now I’m having doubts. What if she found someone new at ayaw niya na sa akin?”
“You should call her, Bro. You two should talk it out. That’s all I can say,” mungkahi nito sa kanya. Ni minsan ay di pa nakikita ng mga kaibigan niya si Ria.
Nabigla sila nang may mabasag sa likuran, they rushed and saw Sierra bleeding. “What happened?!” bulalas ni Zach.
“Nabitawan ko ang bote, Zee,” naiiyak at naginginig nitong turan. Dali-daling kumuha ng towel si Drake at ibinalot sa duguan nitong kamay. Sinundan niya ng tingin ang mga mata ng dalaga at titig na titig ito sa balita, maging si Zach ay napatingin na rin sa TV.
“That’s one hell of a prize! Imagine a billion dollars for a woman!” bulalas ni Gavin habang nanonood ng balita sa TV.
“What do you expect? She’s no ordinary woman, she’s the daughter of a politician. What happened tho?” saad naman ni Levi na sinundan nito ng tanong.
"Could have been kidnapped or she ran away. Who knows, could be either of the two,” sabat ni Calvin sabay tunga ng alak.
“Surely, she ran away with a man,” kampanteng turan ni Ethan habang nagsisindi ng sigarilyo.
“How could you bleed so much?” nag-aalalang tanong ni Zach habang pilit na pinapatigil ang pagdurugo, ngunit di umimik ang dalaga tulala lang itong nakakatitig sa TV. Tinulungan siyang makatayo ni Zach saka dinala sa kusina upang hugasan ang kamay.
Matapos niyang magamot ang sugat nito ay nakatulog ito sa silid niya. Hinayaan niya na lamang itong maidlip at nang makapagpahinga.
***
Alas-tres ng hapon sa ikalimang buwan ng kamatayan ni Ria ay lumapag ang eroplanong lulan niya.
Zach Calling…
She emitted a deep, audible breath seeing that name appear on her screen. Kakababa pa nga lang niya'y ito na agad ang una niyang makakausap. Nasasementeryo siya and now she's ready to meet the man of her late twin sister; Zach Aiden Maxwell.
After five years, she will meet the man she had fallen in love with. But knowing that she will meet him not as herself but as Maeve Ria Grant, instead. She's well aware that this will be the start of a lie and the end of her life.
"Hello Zach, baby," she cheerfully answered, imitating Ria's way of talking. But, of course, it's not just Ria's way of speaking that she imitated. She had her hair and actions.
"Ria—what happened? It's been 5 months," she could sense a tone of sadness. Batid niyang nag-aalala ito dahil di nito nakakausap si Ria sa loob ng mahabang panahon.
"Papunta na ako sa bahay mo, Zach," she sweetly informed him, thinking that those words would be enough for him to stop asking.
"What?! You should have told me babe, sana nasundo kita," now, all she could hear was the tone of excitement.
"I'm fine Zach-- Gusto sana kitang i-surprise pero di ko na mapigilan, I missed you so much." She did well, mukhang di nito nahalata.
Tiningnan niya ang address sa maliit na papel saka isinilid sa bulsa. Nakatayo siya ngayon sa harap ng isang malaking bahay na may itim na gate. Pipindutin niya na sana ang doorbell nang kusa itong bumukas. Tumuloy siya at napansin niyang walang tao. Sa likuran niya'y kusang sumara ito, nilibot niya ng tingin ang kabuohan ng bahay, she's well aware how rich Zach Aiden is.
"Ria!" matagal pa bago narehistro ng utak niya ang pangalan na 'yon, she almost forgot that she's not Gail anymore.
"Z-zach!" nauutal niyang turan. It's been five years back then when she gave up her feelings just for her twin sister. Akala niya'y okay na siya at nakapag move-on na. But she was mistaken, she's now regretting what she was doing, gusto niya ng umatras sa pangako. She wants to end this lie and run away from him. But, she can't be Ria in front of this hot guy.
Before she could utter a word, Zach was already holding her, hugging her tightly as if he has no plan of letting her go, she want to break loose. And before she could push him away Zach was already claiming her lips. Her first kiss had been taken away by this man. Namanhid ata ang buo niyang katawan at di niya na magawang gumalaw pa. Ang masama, parang umakyat pa ata ang pamamanhid sa utak niya at di na siya makapag-isip ng matino.
"I missed you," he said in between those kisses. Pinanlakihan ng mata si Gail nang maramdaman niya ang kamay nito sa balakang niya at kinabig siya palapit pa, damang-dama niya ang init ng katawan nito. Hindi siya komportable kaya bahagya siyang umatras but he softly grabbed her nape and pressed his lips against her. Napaawang ang bibig ng dalaga, he then inserted his tongue inside her mouth, seductively teasing her and she was breathlessly carried away by seduction, she responded.
"Let's get inside?" anyaya ng binata, nginitian niya lang ito. She saw him stopped; he slid his finger under her hair grabbing her face, hinawakan nito ang earring sa kaliwa niyang tenga.
"Z-zach?" nauutal niyang tanong, di magawang salain ng boses niya ang kabang nararamdaman ng puso niya sa tuwing malapit ito sa kanya. Ngumiti lang ito sa kanya saka nagpalingo-lingo. Hinawakan siya nito sa kamay papasok ng bahay.
"Let's go to my room," he said in his hoarse voice. Gail, panicked as soon as she heard those words, agad siyang kumawala sa hawak nito, saka napakamot ng batok, lumingon ang binata sa kanya at tinapunan siya ng nagtatanong na ekspresyon.
"M-may guestroom ka ba?" of course Gail he has. Answering her own, stupid question. Nakita niyang kumurba ang labi nito saka bahagyang ginulo ang buhok niya
"I'm just kidding, babe," abot tenga ang ngiti ng binata while emphasizing his last word.
"Maghahanda ako ng dinner, for sure gutom ka na," paalam ng binata matapos siyang ihatid nito sa sariling silid. Naiwan siyang tulala, sinundan niya na lamang ng tingin ang papalabas na binata. Naaawa siya dito, hanggang kelan ito mabubuhay sa isang kasinungalingang ginawa niya. Makakaya niya kaya itong makitang nasasaktan sa oras na malaman na nitong wala na si Ria? Papaano ang pangako niya sa kapatid, tatalikuran niya na lang ba? Puno ng katangungan ang isip niya, ngunit ni isang sagot ay wala siyang makuha.
Nasa gitna siya ng pag-iisip nang marinig ang pagtawag nito mula sa ibaba. Masasarap ang mga nakahain sa mesa at maliban dun batid niyang lahat ng 'yon ay mga paborito ng ate niya.
"Anong nilagay mo dito?" tanong niya sa binata matapos matikman ang piniritong manok. Hindi niya gusto ang lasa, para bagang sinisilaban ang bibig niya.
"Pepper—why?" nakangiting sagot nito.
Mahina siyang napamura nang marinig ang sagot nito, sa dinami-rami ng pwedeng ilagay bakit pepper pa. Allergic siya sa pepper.
"Diba paborito mo ‘yan?" dugtong ng binata habang sumusubo ng pagkain. Wala siyang nagawa kundi ang ngumiti at pinilit ang sariling kumain, sinubukan niyang tikman ang iba ngunit lahat ay may paminta. Sumubo siya ng isa na di man lang nginunguya, ayaw itong tanggapin ng sikmura niya kaya napatakbo siya sa sink.
Kinakabahan siya dahil baka mahalata siya ng binata, pero lumapit lang ito sa kanya at hinaplos ang likod niya sabay abot ng isang basong tubig.
"I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin.
"It's okay," maikling sagot nito.