Third Person's POV Ngayon na ang araw ng kasal ni Zach at Gail. Hindi maiwasan ni Gail ang hindi kabahan lalo na't ilang oras na lang ay magaganap na ito. Habang inaayusan siya ay hindi nito maiwasang hindi balikan ang mga pinagdaanan. Napag-alaman niyang nakakulong na pala si Alexandra habang si Sierra naman ay nagpapagaling pa sa Europe. "Please close your eyes, Mrs Maxwell," sabi ng make up artist na agad ko naman nitong sinunod. Marahan nitong nilalagyan ng shadow ang mata niya. Nang matapos ito ay ipinasok na nila ang wedding gown na susuotin niya. Puno ng pagkamangha na hinawakan ito ni Gail. Napakaganda nito lalo pa't pinasadya itong ipinagawa ni Zach sa Italy para lamang sa kanya. Lumapit siya at tinitigan itong maigi. Napakadetalyado nito lalo na ang pagkakaburda at ang mga ba