Hindi maganda ang umaga ni Green sa araw na iyon, may bwisita kasi silang dumating. Mangani- nganing ibasura niya ang regalo nito kay Baby Hanz dahil alam naman niyang plastic lang ang babae. "He's so cute, Hunts! Kamukhang-kamukha mo siya infairness!" bulalas ng bwisita nila. Sasagot sana si Green kaya lang baka mabinat siya kapag pinatulan niya ang babae. "Bakit ka nga pala nandito? Hindo ba malala ang sakit mo mabuti naman at pinayagan ka ng iyong Doctor." Labas sa ilong ni Green ang kanyang sinabi. Napahalukipkip naman si Joyce at ngumiti ito nang matamis. "Don't worry, I have her permission to go around. May nireseta siyang gamot for me in case na ma- trigger ang sakit ko wherever I am." Aniya. Green rolled her eyes, akala naman siguro ni Joyce mabibilog nito ang kanyang ulo, no