Tuwang-tuwa si Green at proud kasi pinagsisilbihan siya ni Hunter sa public. Kay tagal niya iyong gustong makita nang marami lalo na kay Joyce. Alam niyang nagliliyab na ang loob ni Joyce dahil sa ka-sweetan ni Hunter sa kanya. At sinasadya pa ni Green na ipakita kay Joyce na ang sweet ng kanyang asawa sa tuwing napapatingin ang babae sa kanila. At para mas lalong sumabog ang kalooban ni Joyce ay sinasamaha pa ni Green nang nakakalokang ngiti sabay taas ng isa niyang kilay. Kita sa mukha ni Joyce ang pagtitimpi nito at inis na nararamdaman para kay Green. Pakiramdam tuloy ni Green ay waging- wagi siya, at nakahanda siyang paibigin ang ama ng kanyang anak para sumaya na rin ito. Ngunit papaano kung hindi siya matutunang mahalin ni Hunter? Ah...bahala na basta isa lang ang gustong mangyari n