Subalit ang kilig at kaligayahan ni Green ng ilang linggo ay nagpalitan muli ng pangamba at pagtataka. Dahil iyon sa isang gabing nakauwi ba nga ang kanyang asawa ay bigla itong umalis na tila balisa at tuliro. Ni hindi nga nagawang magpaalam sa kanya kahit isang word lang gaya ng bye o goodnight. "Saan daw siya pupunta Aling Thelma?" tanong ni Green nang makababa siya dahil nga nagmadali din siyang humabol kay Hunter. "Hindi ko alam, Senyorita pero narinig kong may kausap siya sa kanyang phone. Siguro, emergency at urgent kasi nagtanong pa si Senyorito kung saang hospital sa kausap nito." Sagot naman ng Ginang. Hindi nakaimik si Green nagpasalamat siya kay Aling Thelma at uugod- ugod na bumalik sa kanilang kwarto. Napagpasyahan niyang hintayin na lamang niya ang kanyang asawa at tatanu